Umiskor ng 21 puntos si Aljun Melecio upang pangunahan ang La Salle-Zobel sa pagdispatsa sa Adamson University (AdU), 87-81, sa pagpapatuloy ng elimination round ng UAAP juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Dahil sa panalo, tumapos na ikaapat ang Junior Archers sa eliminations at makakatunggali nila ang defending champion at twice-to-beat na National University (NU) sa second stepladder semifinals match na gaganapin bukas sa ganap na ala-1:00 ng hapon sa Blue Eagle Gym.

Una nang umusad sa finals ang Ateneo na taglay ang bentaheng thrice-to-beat matapos makumpleto ang 14-game sweep sa double-round eliminations.

Naitala ng La Salle-Zobel ang pinakamalaking 20 puntos na kalamangan, 64-44, matapos ang basket ni Noah Webb, may 1:09 pang natitira sa third canto.        

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakuha pang dumikit ng Baby Falcons nang matapyas ang kalamangan, 79-85, kasunod ng three-pointer ni Gerald Fernandez, may 22.1 segundo pa orasan.

Ngunit hanggang doon na lamang ang inabot ng kanilang paghabol hanggang sa tuluyang selyuhan ni Brent Paraiso ang panalo ng Junior Archers sa pamamagitan ng free throws para sa 87-79 bentahe. 

Tumapos si Melecio na may 8 rebounds at 3 assists bago na-foul out sa huling 2 minuto habang nagdagdag si Quinito Banzon ng 20 puntos para sa La Salle-Zobel.        

Sa panig naman nang napatalsik na Baby Falcons, tumapos na may 20 puntos at 17 rebounds si Frederick Tungcab.