Si Pangulong Benigno S. Aquino III, ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas na sumumpa sa tungkulin noong Hunyo 30, 2010, ay nagdiriwang ng kanyang ika-55 kaarawan ngayong Pebrero 8. Pinamumunuan niya ang bansa sa kanyang polisiya na “Daang Matuwid” para sa transparency, good governance, anti-corruption, at accountability pati na rin sa mga reporma sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, at sa ekonomiya.

Sa apat at kalahating taon, natamo ng kanyang pagkapangulo ng mataas na antas ng paglago ng ekonomiya – ang pinakamabilis sa Southeast Asia – pati na rin ang pagyabong ng turismo at business process outsourcing, tuluy-tuloy na kita sa exports, at inflows mula sa remittances ng mga Overseas Filipino Worker (OFW), at ang investment-grade ratings mula sa pangunahing global credit-rating agencies.

Pinaiigting ng kanyang administrasyon ang mga polisiya at reporma upang ihanda ang bansa para sa dalawang mahalagang kaganapan ngayong taon -–ang paglulunsad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Community at ang pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre sa Manila. Ginagampanan ng Pilipinas ang mahalagang tungkulin sa planadong regional integration sa pagiging isang founding father ng 10-nation ASEAN bloc. Pinaiigting din nito ang pakikipag-agapayan sa 21 ekonomiya ng APEC.

May mga paglalakbay sa labas ng bansa si Pangulong Aquino, sa layuning patibayin ang diplomatiko at bilateral na pakikipag-ugnayan ng bansa sa ASEAN pati na rin sa mga bansang nasa Kanluran, at upang ibahagi sa mga world leader ang tagumpay ng ekonomiya ng Pilipinas at ang kanyang mga reporma sa pamamahala. Inimbita niya ang mga investor na makibahagi sa public-private partnership program ng bansa.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Kabilang sa malalawak na batas na kanyang nilagdaan ay ang Republic Act (RA) 10157 o ang Kindergarten Education Law; RA 10354, ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012; RA 10175, ang Cybercrime Prevention Act; RA 10349, ang AFP Modernization Act; RA 10351, ang reporma sa excise tax system; at ang RA 10365, ang pagpapaigting ng Anti-Money Laundering Law.

Si Pangulong Noynoy ang nag-iisang anak na lalaki ng martir na si Senator Benigno S. Aquino Sr. at ng democracy icon, ang dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila University ng elementarya at high school noong 1965-1977 at natamo ang kanyang Bachlor of Arts in Economics noong 1981, at pagkatapos nagtungo siya sa kanyang pamilya na ipinatapon sa Amerika. Nagbalik siya sa Pilipinas nong Agosto 23, 1983 at naglingkod sa pribadong sektor.

Noong Hunyo 30, 1998, nahalal siya sa Kamara de Representantes, na kumatawan sa distrito ng Tarlac, at muling nahalal noong 2001 at 2004, naglingkod bilang House Deputy Speaker mula Nobyembre 8, 2004 hanggang Pebrero 21, 2006. Naging kongresista siya hanggang Hunyo 30, 2007. Noong Mayo 15, 2007, nahalal siya sa Senado at naglingkod hanggang Hunyo 30, 2010.