Tiwala si Senator Cynthia Villar na dadagsain ng mga turista ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA) dahil sa proteksyon na ibinibigay ng pamahalaan.
Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng paglalagda sa Convention on Wetlands of International Importance sa Iran noong Pebrero 2, 1971, pinangunahan ni Villar noong Huwebes ang paglilinis sa lugar na nagsisilbi ring spawning area ng mga isda sa Manila Bay at paboritong destinasyon ng mga bird watcher dahil sa pagdayo ng ang endangered species gaya ng Black-Winged Stilt, Chinese Egret at Philippine Duck.
Idineklarang protected area ang 175-hectare na LPPCHEA na nasa baybayin ng Manila Bay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1412. Ito ay may 30 ektaryang mangrove forest at bird sanctuary.