Johnny Depp and Amber Heard

PINAKASALAN na ng isa sa pinaka-cool at pinakamagaling na pumormang lalaki sa mundo na si Johnny Depp ang aktres na si Amber Heard.

Ikinasal ng huwes ang dalawa sa bahay ni Depp nitong nakaraang Martes, ayon sa source ng Yahoo. Nakatakdang ipagdiwang ang kanilang estado bilang mag-asawa ngayong weekend sa Little Hall’s Pond Cay, isang pribadong isla na pagmamay-ari ni Depp sa Bahamas.

Matatandaang ikinasal na si Depp, 51 sa makeup artist na si Lori Anne Allison noong 1983 at tumagal hanggang 1986.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Si Depp at ang 28 taong gulang na si Amber ay nagkakilala sa set ng The Rum Diary noong 2011 at simula noon ay na lagi nang magkasama sa paglalakad sa red carpet. Sila ay naging engage noong 2012.

Iniulat ng Page Six ng New York Post na 50 katao ang inimbitahan sa kasal, kabilang na ang pamilya ni Amber at mga anak ni Depp na sina Lily-Rose, 15 at Jack, 12. Nagkaroon ng dalawang anak si Depp at at ang French model/singer/actress na si Vanessa Paradis na pagkaraan ng 14 na taong pagsasama at naghiwalay noong 2012. Ito ay sina Lily-Rose, 15 at Jack 12. - Yahoo News/Celebrity