Sa labis na sama ng loob dahil hindi na siya pinapansin ng dati niyang nobya, winakasan na ng isang electrician ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Patay na nang madiskubre ng kanyang mga kaanak si Rogeilo Salvilla, 32, ng Baltazar Bukid, Barangay 69 ng nasabing lungsod.

Nylon chord ang ginamit nito sa pagmamakamatay at itinali sa kisame ng kanyang kuwarto.

Sa pahayag ni Roger, nakababatang kapatid ni Rogelio, kay PO2 Edgar Manapat ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, bandang 2:20 ng madaling araw ng madiskubre niya nagbigti ang kapatid.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

“Hinahanap ko si Kuya kasi hindi ko napansin na umuwi na ito galing sa trabaho, kaya laking gulat ko ng makita ko siya na nakabigti na at wala nang buhay,” ani Roger.

Masyado umanong dinamdam ni Rogelio ang hindi na nila pagkikibuan ng dati nitong nobya kung kaya nagbigti ito.

Gayunpaman, inaalam pa ng mga pulis kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng binata.