BUMIDA ang entertainment press sa latest promo campaign ng PLDT KaAsenso.  Pagkatapos maipaliwanag ni Gary Dujali, PLDT vice president and head of home marketing, na iniaayon nila ang mga produkto at services nila para sa pangangailangan ng Filipino minigosyante o small entrepreneurs.

Suportado ang kanilang campaign na ito ng celebrities na tulad nina Regine Velasquez-Alcasid at Amy Perez-Castillo.

Isa rito ang mini-negosyo package na Plan 1888 na may high-speed internet up to 3Mbps plus the PLDT landline.  Ang mga bagong mag-aaplay dito ay wala munang babayarang upfront fees.  Meron din itong Store Watch na sa halagang P99 per month, puwede nilang makita sa live feeds, sa paggamit lamang ng kanilang smartphones, tablet o laptop, ang mga nangyayari sa kanyang business kahit saan sila naroon.  Sa WiFi Zone naman for P299 service fee, ay puwede kayong mag-offer ng WiFi access sa inyong customers para bisitahin ang inyong stores.

At ang latest nilang produkto, ang PLDT KaAsenso Cyberya, ay madalas nang napapanood sa Eat Bulaga at isa sa mga natatanggap ng napipili nilang contestants sa segment na “Juan For All All For Juan.”  Isa itong all-in-one Internet cafe package na may kasamang computer set, cabinet, at coin-operated timer, at powered ng PLDT Home DSL.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kung nakita na ninyo ang itsura ng Cyberya na ‘tila sadyang ginawa para sa mga bata, tiyak na mauunawaan ninyo kung bakit naisip kaagad ng isang entertainment editor na i-suggest sa PLDT people na kuning endorser nito si Dagul ng Goin’ Bulilit.

Nagkatawanan tuloy ang lahat sa presscon dahil bagay na bagay naman talaga.

Ayon kay Gary, marami silang natatanggap na magandang feedback mula sa nakatanggap na ng Cyberya, dahil malaki ang naitutulong nito sa kanilang pamumuhay at marami ang gumagamit dahil sa piso lamang inihuhulog ay puwede nang makapag-surf sa internet for one minute. 

Sa launch ng PLDT KaAsenso last Monday, nagpa-raffle sila ng apat na Cyberya units sa mga dumalong entertainment press.  Siyempre pa ay tuwang-tuwa ang mga nanalo, pero ang ilang hindi pinalad magwagi ay kumuha na lamang ng kanilang units para sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Para malaman ang iba pang bagay tungkol sa PLDT KaAsenso at sa upgraded nilang services para sa minigosyantes, maaaring mag-log on to pldtkaasenso.com.