MOSCOW (AFP) - Galit na pinabulaanan ng tagapagsalita ni President Vladimir Putin ang isang pag-aaral ng Pentagon na nagsasabing ang Russian leader ay may Asperger’s syndrome, isang uri ng autism.

“That is stupidity not worthy of comment,” sabi ng tagapagsalitang si Dmitry Peskov sa Gazeta.ru news website noong Huwebes ng gabi.

Ito ang kanyang reaksiyon matapos iulat ng USA Today na isang pag-aaral noong 2008 ng internal Pentagon think tank, ang Office of Net Assessment, ang nagpapahiwatig na si Putin ay mayroong Asperger’s syndrome, kaya kailangan niyang magkaroon ng “extreme control” sa kanyang kapaligiran at hindi komportable sa social interaction.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela