ANTIPOLO CITY - Anim na kabataan ang hinoldap kahapon sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City at natangayan ng pera, cell phone at iba pang mahalagang gamit.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang mga biktima ay nakilalang sina Jimuel Calzado, 21, empleyado ng computer shop, ng Barangay San Roque; Paul Oliver Arcinal, 23, binata, ng Bgy. San Jose; Mark Ronnel Garcia, 27, binata, ng Bgy. Dela Paz; Benjo Cabaltea, 20, binata, ng Bgy. San Roque, pawang sa Antipolo; Daniel Petalver, 16, estudyante, ng Bgy. Mahabang Parang, Angono; at isang hindi nakilalang babae na natangayan ng shoulder bag.

Ang suspek ay isang hindi kilalang lalaki na armado ng baril at sakay sa motorsiklo na agad tumakas matapos makuha ang mga pera, cell phone at iba pang gamit ng mga biktima.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador