Victor Basa

MINSANG naka-face-to-face ni Victor Basa ang press people sa opisina ng Cotton Club. Nauwi ang maliit na pagtitipon sa simpleng usapan tungkol sa mga paboritong isuot na underwear. Kuwento ni Victor, mas masarap matulog kung ang suot ay medyo maluwag na boxer shorts. Mas komportable at mahimbing siyang nakakatulog. At idinagdag pang “para madaling hubarin”.  

Kapag may lakad naman, siyempre komportable siya dahil “salung-salo” ng paborito niyang Cotton Club ang kanyang sexy thing. 

Para patunayan, kasabay ng pagkukuwento niya ang pagpapakita ng kanyang suot na briefs na siyempre ay Cotton Club. Hindi tuloy naiwasang mapunta ang usapan sa mga kapilyuhan at kaseksihan. 

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Pero ang nakakatuwa kay Victor, hindi siya bulgar magsalita, at wala ring ere o yabang sa katawan.  

Nagbibigay din siya ng advice at tips kay Michelle Chen, ang magandang teener na anak ng presidente ng Cotton Club Apparel dahil sa hilig nitong pag-aartista. 

“Basta, huwag na huwag mong pababayaaan ang pag-aaral!” sabi niya sa dalagita. Siniguro naman ni Michelle sa kanyang Kuya Victor na hinding-hindi talaga niya pababayaan ang kanyang pag-aaral.

 “Basta po, ‘pag bakasyon saka ako magwo-workshop uli!” 

Huling napanood si Victor sa Muslim Magnum 357 na halos ay kaugnay ng nangyari sa kamakailan Fallen 44. Ginagawa naman niya ngayon ang Mandirigma sa direksiyon ni Arlyn dela Cruz.