Dalawang online selling company ang ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion sa Department of Justice (DoJ).

Ito ay ang Ensogo Incorporated, na nakabase sa Global City sa Taguig; at ang Moonline Incorporated, na may-ari sa Cash Cash Pinoy online website na may tanggapan naman sa Makati City.

Ayon sa BIR, aabot sa P36.14 milyon ang utang sa buwis na kanilang hinahabol mula sa Ensogo dahil sa kabiguan umano nitong magbayad ng withholding tax at value added tax mula Oktubre 31, 2011 hanggang Oktubre 31, 2014.

Kasama rin sa kinasuhan ng BIR ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang mga opisyal ng Ensogo na sina Krit Srivorakul, president; at Xelynne De Lara, treasurer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinasuhan naman ng BIR ang Moonline, partikular ang pangulo nito na si Frederic Elie Levy, at treasurer na si Bernadeth Levy, dahil sa underdeclaration ng kanilang taxable income mula 2011 hanggang 2013, at aabot sa P132.51M ang tax liability.