SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija – Matinding hataw sa ulo ang ikinamatay ng isang 42-anyos na binata na ginulpi bago nilunod sa ilog ng mga nakaaway niya sa inuman sa Purok Camachile, Barangay Gabaldon sa lungsod na ito.

Batay sa ulat na ipinarating ng Science City of Muñoz Police kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang biktimang si Arturo Corpuz Noveda, magsasaka, residente ng nasabing lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Gabriel M. Santiago na kainuman ni Noveda ang mga suspek na sina Erick Santos at Felix Ramento, kapwa taga-Bgy. Gabaldon, nang mag-away-away ang mga ito.

Ayon sa pahayag ng mga saksing kapitbahay, nakita nilang kinaladkad ng mga suspek ang biktima patungo sa ilog bago nagsitakas ang mga ito.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon