Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) sa Abril ang Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sanang idaos ngayong Pebrero.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, mula sa orihinal na petsa na Pebrero 21, 2015 nagpasya ang poll body na ilipat ang halalan sa Abril 25, 2015.

Sinabi ni Jimenez, na inilabas nila ang Comelec Resolution 9930, habang hinihintay pa nila ang lagda ni Pangulong Aquino sa House Bill 52098, na nagpapanukalang ipagpaliban ang SK elections upang sumabay na ito sa pambansang halalan sa 2016. Ipinaliwanag ni Jimenez na sa ilalim ng Section 5 ng Omnibus Election Code, maaaring magdesisyon ang Comelec na ipagpaliban ang eleksyon kung may seryosong sanhi tulad ng karahasan, terorismo, pagkawala o pagkasira ng election paraphernalia o records, force majeure, at iba pang analogous causes.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza