Nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan ng Philippine Olympic Committee at kinikilalang bagong tatag na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVP).

Ito ay matapos ipaalam ni POC first Vice-President Joey Romasanta na wala na siyang balak para sa nominasyon sa pagiging pangulo ng LVP bilang pagtalima sa provisional recognition na ibinigay ng International Volleyball Federation (FIVB).  

Sinabi ni Romasanta, na siyang nagsa-ayos ng direksiyon para sa pagbuo ng bagong pederasyon sa volleyball, na magbibigay daan siya sa mga lehitimong volleyball stakeholders na maupo sa mga bakanteng puwesto sa LVP dahil nais ng world-governing body na mga liga at hindi indibidwal ang magpapatakbo sa asosasyon.

Subalit lalong gumulo ang asosasyon matapos magbago ang ihip ng hangin nang iutos kahapon ni POC President Jose Cojuangco Jr. ang pagkakadagdag kina dating Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) President Victorico Chavez at Philippine Volleyball Federation (PVF) Secretary General Rustico Camangian bilang miyembro ng LVP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Napag-alaman sa isang mapagkakatiwalaang source na lalo pang gumulo nang ayawan ni Cojuangco na maging kasapi sa LVP ang Philippine Super Liga President at FIVB at AVC official na si Ramon “Tatz” Suzara.

Dahil sa desisyon ni Cojuangco ay naitsapuwera sina Romasanta at POC 2nd Vice-president na si Jeff Tamayo na kabilang sa mga incorporators ng LVP na sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang na apat na major stakeholders sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA), Shakey’s V-League at ang Philippine Super Liga.  

Napag-alaman pa na mayroon ding ilang liga na nagnanais na mapabilang sa bagong pederasyon sa pangunguna ng Milo at isa na mula sa Cebu. Ang mga ligang ito ang siyang tatayong board of trustees ng LVP at magdedesisyon kung sino ang kanilang pipiliing presidente.

Itinakda ng FIVB sa Pebrero 15 ang ihahalal ng LVP para sa kanilang mga tatayong opisyal upang mapormalisa ang kanilang pagkilala bilang bagong pederasyon.

“Our mandate which was to gather the stakeholders and put together this federation is already done,” paliwanag ni Romasanta, na namuno sa pagbuo sa LVP kasama sina Shakey’s V-League president Ricky Palou, POC Second Vice-President Tamayo, POC consultant Chippy Espiritu at POC Legal Counsel Atty. Ramon Malinao bilang miyembro.

“We’re now complying to the provisional recognition given by the FIVB, which is to form a new federation out of the legitimate stakeholders of the sport, meaning that only leagues -- and not individuals -- should comprise the new federation. The real stakeholders know who they are so I don’t think there will be problems in that set up,” pahayag nito.