COLUMBIA, S.C. – Isang propesor sa anatomy at physiology, na lubos na hinahangaan ng kanyang mga estudyante at kapwa guro, ang binaril ng kanyang dating asawa sa University of South Carolina, ayon sa coroner noong Biyernes.

Paulit-ulit na binaril ni Sunghee Kwon ang kanyang dating asawa na si Raja Fayad noong Huwebes ng hapon sa ikaapat na palapag ng opisina ng Public Health building sa nasabing unibersidad, ayon kay Richland County Coroner Gary Watts.

Napaulat na nagbaril din ang suspek, pero wala itong iniwang suicide note.
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian