Ipagkakaloob ng Philippine Health Insurance Company (PhilHealth) ang benepisyo ng mga naulila ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Forces.
“We are already finishing our process so that we will be able to offer their families benefits for children below 21 years old, their lawful spouse and their parents without having to pay any premiums anymore,” pahayag ni Atty. Alexander Padilla, pangulo at CEO ng PhilHealth.
Nilinaw niya na hindi saklaw ang mga anak na edad 21 pataas o maagang nag-asawa.
“For the wife, it would be lifetime except when she remarries. For the parents, we shall cover those even if below 60 years old and when they are 60 covered naman through senior citizens benefits,” dagdag nito.
Samantala, itataguyod ng PhilHealth ang simultaneous fun run na Ready, TSeKaP, Go!, sa mga lungsod ng Quezon, Baguio, Dagupan, Tuguegarao, Naga, Lipa upang ipalaganap ang impormasyon sa benepisyong matatanggap ng mga miyembro, at bahagi ng pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng PhilHealth.