Ginamit ni Floyd Mayweather Jr. ang social media upang linawin na gusto talaga niyang labanan si Manny Pacquiao sa isang $200 milyon welterweight megabout kaya wala siyang kasalanan kung hindi matuloy ang sagupaan sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada.

Nag-post ng litrato si Mayweather sa kanyang Twitter account habang kausap niya si Pacquiao sa silid na tinuluyan ng Pinoy boxer sa isang hotel sa Miami, Florida.

“I set up this meeting with Manny Pacquiao to get this fight done but they will continue to tell the public it’s us and that’s NOT TRUE,” ayon sa caption ni Mayweather sa Twitter.

“So while we wait y’all go download Shots ASAP so I can keep you all updated on the Mayweather vs. Pacquiao fight, that we are trying to make happen,” dagdag ni Mayweather.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tahimik si Pacquiao tungkol sa napag-usapan nila ni Mayweather at tanging si Top Rank Promotions big boss Bob Arum ang nagsasalita sa sagupaang pinakahihintay ng mga apisyonado sa boksing.

Ngunit kung mayroong gustong magkalaban ang dalawang boksingero, si Briton boxing superstar Amir Khan ang nagsabi na hindi matutuloy ang sagupaang Pacquiao-Mayweather.

“Honestly that fight will never happen, in my opinion. I spoke to Manny Pacquiao and, obviously, we speak to Mayweather and his team. I can’t really see that fight happening, there is too much politics with that fight,” sabi ni Khan sa BoxingScene.com.. “There’s different promotions teams and different management teams—I don’t think they will let that fight happen.”

Nilinaw naman ni Arum na dalawang isyu na lamang ang hadlang para hindi matuloy ang megabout.

“We had four issues and we resolved two. Now we’re working on resolving the other two,” pahayag ni Arum.”Now we’re working on resolving the other two. Unless something else comes up at the last minute, that’s what my take is.”

Idinagdag ni Arum na nagkasundo na ang dalawang panig kung paano paghahatian ang premyo na 60-40 porsiyento pabor sa walang talong Amerikano.

“There’s a lot of devil in the details and that’s what we’re sorting through now,” dagdag ni Arum. “The remaining issues are obviously important to the participants, and are things we have to work out.”