Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga bagay na magpapaangat ng iyong kasihayan. Nabatid natin kahapon na bahagi nito ang pagbabago ng ating mga gawi upang makamtan ang kapanatagan ng kalooban tungo sa mas masayang pamumuhay.
- Iwasan ang biglaang paggasta. - Hindi mo kailangang bilhin ang bawat bagong cellphone na lilitaw sa mall o sa Internet. Pag-aralan muna ang iyong mga pangangailangan bago ang iyong mga pagnanais. Tandaan: ang bagong gadget na iyong bibilhin ngayon ay maluluma agad matapos maglabas ng bagong bersiyon ang kumpanya nito ilang buwan lang pagkagawa ng nabili mo. Alahas - kailangan mo ba talaga nito? Malamang na maging mitsa pa ito ng iyong pagiging biktima ng snatching o holdup. Magiging mas masaya ka kung ang gadget na nabili mo ay nakatutugon sa lahat ng iyong pangangailangan. Muli, hindi ko pinagbabawalan ang sino man na nagnanais magkaroon ng bagong gadget at alahas buwan-buwan; karapatan nila iyon.
- Iwasang gamitin ang credit card. - Kung kaya mo rin lang, huwag mong gamitin ang “plastic na pera” na ito. Ang utang ay walang imik na stress na unti-unting lumalamon ng iyong mental health. Nagpapatanda ito ng utak kahit bata ka pa. Maaaring ma-develop mo ang high blood pressure o pagtaas ng iyong sugar level dahil sa stress na dulot ng utang. Matuto kang mamuhay nang walang credit card.
- Matuto kang tumanggi. - Hindi maaaring tanggap ka nang tanggap ng mga iniaalok sa iyong credit card mga bank representative kahit pa sabihing libre ang fee sa loob ng isang taon. Dahil lang sa hindi pangkaraniwan ang bagsak-presyo ng isang luxury item at bibilhin mo na kahit hindi mo kailangan. Pang-aralang mabuti kung ani ag iyong kailangan at hindu. Inirerekomenda ng mga eksperto sa pananalapi ang maingat na paggastos.
- Bawasan ang iyong pagkahumaling sa salapi. - Ang maingat na paggasta at pag-iimpok ay kapwa mahalaga ngunit huwag mong hayaan ang iyong utak na mag-compute ng iyong salapi buong araw. Ang pagkahumaling sa salapi ay isang malaking balakid sa pagtamo bg kapanatagan ng isip. Iwasan ang masyadong pag-iisip sa iyong naiimpok na pera.