Bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na kabayanihan, bibiyayaan ng National Housing Authority (NHA) ng libreng pabahay ang kaanak ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na napatay sa Mamasapano, Maguindanao.
Inatasan ni NHA Administrator Chito Cruz ang mga regional director ng ahensiya na makipag-ugnayan sa mga nauila ng mga commando upang maproseso ang dokumento sa kanilang housing unit.
Ito ay matapos pulungin ni Pangulong Aquino ang pamilya ng 44 SAF member at tiniyak sa mga ito na mabibigyan sila ng libreng pabahay sa ilalim ng “Killed-in-Action” para sa mga tauhan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na namatay sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng gobyerno.
Sinabi ni Cruz na babalikatin ng NHA ang konstruksiyon o pagpapaganda ng mga istruktura sa ano mang lugar na mapupusuan ng pamilya ng mga namatay na pulis.
Una nang inihayag ng PNP na makatatanggap ang bawat pamilya ng 44 PNP-SAF member mula P1.5 milyon hanggang P2 milyon death benefit mula sa gobyerno.