KRIS Aquino

MARAMING bumatikos kay Kris Aquino dahil sa pagtatanggol niya sa kuya niyang si Presidente Noynoy Aquino at aminado siyang nagalit siya o sumama ang loob niya sa ilang kasamahan sa showbiz sa pagbatikos sa kapatid niya.

Hindi naman talaga maiiwasang hindi ipagtanggol ni Kris ang kuya niya dahil, sabi nga, blood is thicker than water.

Isa sa ikinasama ng loob niya ang pag-post nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Judy Ann Santos na naglabas ng saloobin tungkol kay PNoy. Naging dahilan ito para in-unfollow sila ng Queen of All Media sa kanilang social media account.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pero ang maganda kay Kris ay napag-isip-isip niya ang ginawa niya kaya hindi na niya pinatagal pa ang sitwasyon at siya na mismo ang nag-reach out kina Ogie, Regine at Juday. Nagkapaliwanagan agad sina Kris, Ogie at Regine.

Noong Huwebes ay si Kris na rin mismo ang nag-text kay Juday para humingi ng dispensa.

Pero bago tinext ni Kris si Juday ay nabanggit niyang, “I just came from 1 of my favorite Churches on my way to A&A. I said sorry to God for my sin of pride. I can be impulsive & overly emotional. But I also believe I am never spiteful & always respectful. Above all, I know how to take responsibility for my actions... Before leaving for work, I felt my guardian angel telling me to text @officialjuday. Naglakas loob ako & prayed for the best. Thank You God for answering my prayer. #mutualrespect.”

At ang nilalaman ng mensahe ni Kris para kay Juday, “Hi, Juday, it’s Kris. I decided to text kasi through the years, never tayong nagka-problem between us, hindi tayo close, but there was always warmth.

“I just wanted to say that no matter the provocation to make matters worse between us, I do hope when all is this behind us, we can move forward. Here’s to Peace and Harmony.”

Kaagad namang sumagot si Judy Ann, “Hi Kris… it’s a relief receiving a text from you. I was actually waiting for the right time to text you and explain my side. I respect and fully understand your actions. Hindi naman talaga madali ang pinagdadaanan mo.

“What I posted in my IG (Instagram) was my opinion on what happened that day… I just expressed my thoughts on the situation... it was never my intention to hurt you... tama ka, hindi tayo close, there was always warmth and I value the friendship that we have. Praying for peace, wisdom and God’s guidance for all of us.”

Hayan, nagkapaliwanagan na sina Kris at Juday kaya wala nang isyu.