Hindi pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe ang limang bus ng Dela Rosa Transit Corporation matapos sumalampak ang isang unit nito sa isang kotse sa EDSA noong Huwebes ng umaga.

Dahil sa sobrang tulin magpatakbo ang driver, halos pumatong ang buong Dela Rosa Transit bus na may plakang TYM-449 sa isang Toyota Vios na may conduction sticker YL-1942 sa North EDSA, Quezon City.

Sa kabila nito, nakaligtas ang driver ng kotse subalit nagtamo ng minor injuries.

“Ang ganitong aksidente ang hindi papayagan ng board na walang managot; patuloy kaming nanawagan sa mga bus operators na pagsabihan ang kanilang mga driver na iwasan ang reckless na pagmamaneho para maiwasan ang aksidente or face the possible revocation ng kanilang mga prangkisa,” pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Upang hindi na maulit ang insidente na isinisisi sa kapabayaan ng Dela Rosa Transit, sinuspinde ng ahensiya ang operasyon ng limang bus ng kompanya ng 30 araw na naging epektibo kahapon.