Ipinagpaliban ng gobyerno ng Indonesia ang nakatakdang pagbitay sa isang Pinay drug mule na nahatulan sa kasong drug trafficking noong 2010.

Kahapon sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose na hiniling ng Pilipinas ang pagrepaso sa kaso ng Pinay sa Indonesian District Court of Justice at may posibilidad na mapababa ang sentensiya nito.

Inihain ng Pilipinas ang judicial review sa korte noong Enero 19. Rerepasuhin ng hukuman ang kaso ng Pinay upang tiyakin na walang nakaligtaang mahahalagang bahagi o detalye na maaaring makaimpluwensiya sa naunang desisyon nito.

Ayon pa kay Jose, magpapasok ang Pilipinas ng bagong argumento para sa kaso ng Pinay na nasa death row sa Indonesia sa pakikipag-koordinasyon sa abogado ng depensa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inaresto ng mga tauhan ng Customs and Excise Authorities ang hindi pinangalanang Pinay nang mahulihan ito ng 2.6 kilong heroin sa Audisucipto International Airport sa Yogyakarta noong Abril 24, 2010.

Oktubre 11, 2014 nang mahatulan ng kamatayan ng Indonesian court ang Pinay sa kabila ng petisyon ng prosekusyon para sa habambuhay na pagkakabilanggo lamang.