Inihayag ng Supreme Court (SC) na maaari pang buhayin ng administrasyong Aquino ang Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil ilang probisyon lamang nito ang unconstitutional.
Paliwanag ni SC spokesperson Theodore Te, ilang probisyon lamang ang idineklarang labag sa Saligang Batas at hindi ang kabuuan ng DAP kaya maaari pa itong pag-usapan.
Sinabi ni Te na kailangan ding sumunod sa mga panuntunan ng SC ang Pangulo kung gusto nitong buhayin ang DAP.
Idineklara ng SC na unconstitutional ang pagkuha sa unobligated allotments mula sa mga ahensiya ng gobyerno at paggamit nito bilang savings gayundin ang cross-border transfers ng ehekutibo para pondohan ang ibang ahensiya ng gobyerno sa labas ng departamento.
Dito nanindigan ang high court na labag ang ilang probisyon ng DAP sa constitutional doctrine ng separation of powers at inter-branch transfer ng appropriations.