DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang 75-anyos na barangay chairman ang napatay nitong Huwebes ng gabi habang sugatan naman ang isang tanod matapos silang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo malapit sa hall ng Barangay San Isidro Labrador I sa siyudad na ito.

Namatay sa mga tama ng bala habang ginagamot sa De La Salle University Hospital si Joaquin A. Rillo Sr., chairman ng Brgy. San Isidro Labrador I, habang nabaril din at naka-confine pa sa nasabing ospital si Jose B. Bonaobra, 54, barangay tanod.

Sinabi ni Senior Insp. Fermel de la Cruz, Dasmariñas Police investigation chief, na nangyari ang pamamaril may 30 metro mula sa barangay hall sa Congressional Road dakong 8:30 ng gabi nitong Huwebes.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon