TAIPEI (Reuters)— Ang bangkay ng piloto ng bumulusok na eroplano ng TransAsia, tinaguriang bayani sa kanyang mga ginawa sa huling sandali bago ang pagbulusok na ikinamatay ng 31 katao, ay nakahawak pa rin sa joystick sa cockpit ng eroplano nang matagpuan ang kanyang bangkay, iniulat ng media noong Biyernes.

Ang piloto, kinilala ng TransAsia na ang 42-anyos na si Liao Chien-tsung, ay pinuri ng mayor ng Taipei sa pagmaniobra sa eroplano upang hindi ito humampas sa mga bloke ng apartment at commercial buildings bago dalhin ang eroplano pabagsak sa isang ilog.

Sakay ng TransAsia Flight GE235 ang 58 pasahero at crew nang halos sumayad ito sa mga gusali, humampas sa isang overpass at taxi ang isa sa kanyang mga pakpak at bumulusok nang patiwarik sa mababaw na ilog ilang sandali matapos mag-takeoff noong Miyerkules.

Ang bangkay ni Liao at ng kanyang co-pilot ay narekober sa cockpit ng turboprop ATR 72-600 na nakahawak pa rin sa joystick at bali ang kanilang mga binti, ayon sa mga imbestigador.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“They were still trying to save this aircraft until the last minute,” sabi ng isang prosecutor sa Taiwanese media.