Laro ngayon:

(FilOil Flying V Arena)

 5 p.m. Alaska vs. NLEX

Makapasok sa winner’s circle ang kapwa tatangkain ng Alaska at NLEX na pawang nabigo sa kanilang unang laro sa pagtutuos nila ngayon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa ganap na alas-5:00 ng hapon magtatapat ang dalawang koponan sa kanilang laro na orihinal na itinakda sa Polomolok, South Cotabato ngunit napilitang ilipat para na rin sa kaligtasan ng mga kalahok kaugnay sa nangyaring kaguluhan kamakailan sa Maguindanao kung saan 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang nasawi sa nangyaring engkuwentro.

Mag-uunahan para makabangon ang Alaska at NLEX matapos na matamo nila ang kabiguan kung saan ay nabigo ang Aces sa Purefoods Star Hotshots noong Pebrero 3 (88-108) at ang Road Warriors sa kamay naman ng Rain or Shine (91-96).

Hindi pa rin makalalaro ang dalawa sa kanilang key players na sina Jayvee Casio at Sonny Thoss kaya’t inaasahan ni Alaska coach Alex Compton na mag-step-up ang natitira pa niyang mga manlalaro upang mapunan ang puwang na naiwan ng dalawang injured.

“Those guys (Thoss and Casio) are important players for us for sure, but we still have 16 great players in te team,” pahayag ni Compton.

Ayon pa sa Aces mentor, posibleng hindi na makalaro hanggang matapos ang conference si Thoss na mayroong right plantar fascia injury habang maaring matagalan pa bago nila muling makasama si Casio na may iniinda namang wrist injury.

Kabilang sa inaasahan ni Compton na babawi mula sa unang pagkatalo ang import na si DJ Covington na bagamat umiskor ng 19 puntos sa kanyang debut game ay nakakuha lamang ng 5 rebounds at nalagay pa sa maagang foul trouble.

 Sa pagkakataong ito, umaasa si Compton na makatutulong sa kanila ng malaki ang 6-foot-6 at 2-time Big South Defensive Player of the Year para sa Virginian Military Institute sa kanilang hinahangad na panalo.

Gayunman, hindi niya minamadali ang adjustment na kailangan niyang pagdaanan, sampu ng kanyang mga player, para sa bago nilang rotation. 

Sa panig naman ng Road Warriors, gaya ng Aces, ay nakahanda rin silang bigyan ng sapat na panahon ang import na si Al Thorton na maibalik ang kanyang dating playing form.

“He’s (Thorton) not really in shape that’s why he’s in and out of the game, but I give credit to his effort on offense and defense,” ani coach Boyet Fernandez.

May dahilan naman si Fernandez para dito dahil kahit out of shape ay nakapagtala ang 6-foot-7 na si Thorton ng 25 puntos, 12 rebounds at 2 blocks sa kanyang unang laro kontra sa Rain or Shine.

Ang 31-anyos na dating Florida State University forward at napili ng LA Clippers na No. 14 overall  noong 2007  kung saan siya ay nakuha bilang miyembro ng NBA All-Rookie Team ay galing sa stint sa koponan ng Brujos de Guayama sa Puerto Rico na dito ay nag-average siya na 21.6 points at 7.5 rebounds.

 “It’s been a long rest for him since his last game was in August. Medyo mahaba ang pahinga,” ayon pa kay Fernandez. “We saw how he played in Dubai, but he just has to get in shape right now.”