Patay ang isang 18-anyos na estudyante matapos mahulog mula sa ika-16 palapag ng isang car park building sa Makati City kahapon ng umaga.

Namatay ang biktimang si Viam Madamba, residente ng San Gregorio St., Magallanes Village, at estudyante ng isang British school sa Metro Manila bunga ng matinding pinsala sa katawan.

Ayon sa pulisya, nahulog ang biktima mula sa ikaanim na palapag ng De la Rosa Car Park sa De la Rosa St., Legaspi Village, dakong 6:30 ng umaga.

Nalagutan ng hininga si Madamba sa Makati Medical Center ilang oras matapos siyang isugod ng mga istambay sa naturang ospital.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Huling namataan si Madamba na nag-iisa sa car park ilang minuto bago naganap ang insidente.

Bukod sa may kinahaharap na problema sa kanyang pag-aaral, sinabi ng mga imbestigador na ilang araw na ring hindi umuuwi si Madamba sa kanilang bahay bago ito nagpatiwakal.

Sinabi ng pulisya na tikom pa rin ang bibig ng mga magulang ng biktima hinggil sa insidente.