Binawian ng Supreme Court (SC) ng lisensiya ang isang abogado na nasentensiyahan sa kasong homicide ngunit napalaya dahil sa parole.

Na-disbar si Raul H. Sesbreño na napatunayan ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) na nagkasala sa murder. Subalit, sa isang apela, ibinaba ng SC ang krimen sa homicide at nahatulan siyang makulong ng siyam hanggang 16 na taon.

Pinalaya si Sesbreño noong 2001 matapos niyang tanggapin ang mga kondisyon ng kanyang parole.

Isang reklamo para sa disbarment na inihain ni Dr. Melvyn Garcia ang nagsaad na ang homicide ay isang krimen laban sa moral na kaimbihan at dahil dito si Sesbreño ay hindi dapat payagang ipagpatuloy ang kanyang law practice.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Sa kanyang depensa, sinabi ni Sesbreño na ang executive clemency na iginawad sa kanya ay nagbabalik sa kanyang mga karapatang sibil at pulitikal.

Pinagpasyahan din ng SC na walang nababanggit na ang executive clemency na ibinigay kay Sesbreño ay ganap at walang pasubali at nagpapanumbalik sa kanyang mga karapatang sibil at pulitikal.

Ang executive clemency “merely commuted to an indeterminate prison term of 7 years and 6 months to 10 years imprisonment” kaya ang parusang ipinataw kay Sesbreño at ang pagbabawas sa parusa ay pagpapababa lang sa penalty at bahagyang pinapawi ang kriminal na pananagutan, ayon dito.