Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang unang desisyon ng isang trial court na nagbabasura, dahil sa kakulangan ng hurisdiksiyon, sa pag-angkin ng Pateros sa ilang bahagi ng Fort Bonifacio, na pinag-aagawan din ng Makati at Taguig.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon, sinabi ng CA na nararapat ang naging desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) na ibasura ang petisyong inihain ng Sangguniang Bayan ng Pateros hinggil sa inaangking lupa ng munisipalidad sa Fort Bonifacio.

Kabilang sa inaangkin ng Pateros ang pitong barangay ng Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Comembo, Pembo at Pitogo, na may kabuuang sukat na 3,044,568 metro kuwadrado.

Sa reklamong inihain noong Setyembre 21, 1993, inaangkin din ng Taguig ang pitong nabanggit na barangay. Subalit base sa desisyon na inilabas noong Hulyo 30, 2013, idineklara ng appellate court na ang pitong barangay ay sakop ng Makati.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bunsod nito, naghain ng motion for reconsideration ang Taguig City na nakabimbin pa rin sa CA.