HINDI na umaasa si Vina Morales na magiging masigla muli ang kanyang buhay pag-ibig. Ayon sa singer/actress, mas makakabuti sa kanya ngayon na bigyan ng atensiyon ang sumisiglang showbiz career niya.

Vina MoralesDagdag pa ng isa sa mga bida ng seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, ngayong nagsisimula na muli siyang maging busy sa kanyang trabaho bilang artista ay mas makakainam na ito ang harapin at bigyan niya ng priority.

Kung magkaroon daw siya muli ng lovelife, siguradong magkakaroon na naman siya ng problema dahil wala rin naman siyang sapat na panahon na maibibigay para sa karelasyon.

Kaya minamabuti ni Vina na maging single muna siya at harapin ang trabaho at ang obligasyon niya sa anak niya na ang ama ay ang kontrobersiyal na negosyanteng si Cedric Lee.

National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Pahaging pa nga ni Vina, na mukhang ang ama ng anak ang pinasasaringan, knows naman ng lahat na single mom siya at mag-isa niyang pinapalaki ang anak niya kaya tamang-tama lang na sa kanya ibinato ang title ng show nila, huh!

Pero tikom naman ang bibig ni Vina at ayaw niyang pag-usapan o idamay sa interbyu sa kanya ang ama ng anak niya. Aniya, pagdating kay Cedric ay wala raw siyang sasabihin kahit na ano bilang respeto na lang.

Hindi pa tapos ang kaso ni Cedric kaya ayaw muna ni Vina na madamay sa kontrobersiyal na usapin nito laban kay Vhong Navarro. Pero may diing banggit ng aktres, wala siyang balak na itago sa anak ang nangyari sa tatay nito.

Dagdag pa niya, pagsapit sa hustong pag-iisip ng anak nila ay siya mismo ang magpapaliwanag dito kaysa marinig pa ng bata sa iba ang kuwento.