Nasunog ang gusali ng Quezon City Central Post Office sa NIA Road kahapon ng madaling araw, iniulat ng Bureau of Fire Protection sa Lungsod Quezon.
Sa report ni QC Fire Marshall F/SSupt. Jesus Fernandez, dakong 5:35 ng umaga nang sumiklab ang apoy mula sa record room sa ikalawang palapag ng gusali ng post office na umabot sa 3rd alarm.
Sa maagap na pagresponde ng mga pamatay sunog, naapula ang apoy ganap na 6:00 ng umaga at wala namang nasunog na mga records o mga liham habang iniulat ni Fernandez na umabot sa P50,000 halaga ng kagamitan ng natupok ng apoy.
Nabatid na ang sanhi ng sunog sa record section ay dahil sa faulty electrical ng conduit.
Ayon kay F/SSupt. Jesus Fernandez, posibleng nagkaroon ng short circuit ang isa sa mga saksakan sa records section.