AKSIDENTENG natapik ni Virgil Buensuceso ng KIA ang mata ni SMB's Chris Ross nang isagawa ng huli ang kanyang drive sa kanilang naging laro noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. (Tony Pionilla)

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 pm Rain or Shine vs. Globalport

7 pm Blackwater vs. Purefoods

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagsalo sa liderato, kung saan ay solong nakaluklok ngayon ang Meralco, ang tatangkain ng Purefoods sa kanilang pagsagupa kontra sa wala pang panalong Blackwater sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Star Hotshots at Elite sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Rain or Shine at Globalport sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Galing sa dalawang malaking panalo kontra sa Globalport (83-73) at Alaska (109-78), muling pinapaboran ang Star Hotshots na makopo ang ikatlong sunod na panalo laban sa Elite na hangad pa rin ang unang panalo sa liga matapos na malasap ang ika-13 sunod na kabiguan magmula pa sa nakaraang Philippine Cup.

Gaya ng dati, pangungunahan ang Star Hotshots ng balik import na si Marcus Blakely habang wala pang pasabi kung maglalaro na ang import ng Elite na si Chris Charles o aasa pa rin sila kay Gilas center Marcus Douthit.

Samantala, sa unang laban, magkasalo ngayon sa ikaapat na posisyon na taglay ang barahang 1-1 (panalo-talo), mahihiwalay ng landas ang Elasto Painters at Batang Pier upang makamit ang kanilang unang ikalawang panalo.

Target ng Elasto Painters na masundan ang naitalang 96-91 panalo laban sa NLEX noong Martes matapos mabigo sa kamay ng Talk ‘N Text sa una nilang laro habang pagbangon naman ang target ng Batang Pier makaraan ang 70-83 kabiguang nalasap sa Purefoods kasunod sa opening day win nila sa Kia.

Nilinaw ni coach Yeng Guiao na wala silang planong palitan ang import na si Rick Jackson dahil nagagawa naman aniya nito ang kanilang mga kailangan sa isang big man sa mga rebound at depensa.

Aminado si Guiao na nahihirapan sila dahil dehado sila sa height at hirap din sa opensa si Jackson dahil malalaki ang kanyang nakakatapat.

Ngunit hindi naman aniya nila iyon gaanong binibigyan ng pansin dahil kaya namang maibigay ni Jackson ang kanilang pangangailangan bilang reinforcement.