Inaresto ng pulisya ang isang pastor na kinasuhan ng panggagahasa sa Koronadal City, South Cotabato kahapon.

Ayon sa Koronadal City Police Office (KCPO), kinilala ang suspek na si Elizer Jongay, ng Barangay Cacub, Koronadal City.

Ipinag-utos ni Acting Presiding Judge Jordan Reyes, ng branch 24 ng 11th Judicial Region, ang pag-aresto kay Jongay ng pulisya matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong panggagahasa sa isang dalaga.

Nang dumating ang mga pulis ay nagtangka pang tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagtalon mula ng ikalawang palapag ng bahay ngunit nahawakan ng mga pulis ang kanyang pantalon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naganap umano ang panggagahasa sa New Christian Orphanage sa Purok Marcos, Barangay Concepcion, Koronadal City noong 2012 sa isang dalaga na hindi pinangalanan.

Bukod sa kasong panggagahasa nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 7610 o sexual abuse sa sala naman ni Judge Roberto Ayco ng 11th Judicial Region, Branch 25.

Walang inirekomendang piyansa para sa kaso.