Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtapyas ng 50 sentimos mula sa kasalukuyang P8.50 pasahe sa jeep sa Region 4.

Ayon sa LTFRB, ito ay bunsod ng serye ng bawas presyo sa diesel nitong mga nakaraang linggo.

Saklaw ng minimum fare reduction ang unang apat na kilometro, habang mababawasan din ng 10 sentimos ang P1.50 kada susunod na kilometro na kasalukuyang sinisingil sa mga pasahero.

Patuloy namang pagkakalooban ng 20 porsiyentong diskuwento ang pasahe ng mga persons with disability (PWD), senior citizen at estudyante sa Southern Tagalog region.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Matapos ang masusing ebalwasyon sa mga komento at petisyon ng iba’t ibang grupong tranportasyon sa rehiyon, nagdesisyon ang ahensiya na bawasan ang minimum fare para sa mga public utility jeepney (PUJ) bunsod ng petisyon na inihain ni Rep. Manuel M. Iway (First District, Negros Oriental) noong Oktubre 22, 2014.

Si Iway ay dating miyembro ng board ng LTFRB.

“Matapos mabigyan ng pagkakataon at panahon ang mga transport organization na maiprisinta ang kanilang mga petition at opinyon sa suhestiyon ng ating mambabatas na ibaba ang pamasahe, nakapagdesisyon ang board na ipatupad ang bawas-pasahe sa Southern Tagalog,” pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez,

Kabilang sa mga dumalo sa serye ng public hearing sa petisyon ni Iway ay mga kinatawan ng iba’t ibang transport group tulad ng Alliance of Transport Organzation (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Batangas Capitolio Jeepney Operators Drivers Association Inc., at Pinagsama-samang Tsuper at Operator sa Lucena City (PISTOL Federation).

Matapos ang public hearing, binigyan ng LTFRB board ang mga grupong transportasyon ng pagkakataon na magsumite ng kani-kanilang opinyon hinggil sa isyu hanggang nitong Enero 23, 2015.