ISANG buwan simula nang maging official na Mrs. Dantes, back to work na si Marian Rivera.

Bukod sa kanyang hosting stint sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga, muling sasabak ang Kapuso Primetime Queen na sa iba’t ibang regional tours ng GMA Network.

Ngayong Biyernes, Pebrero 6, isang nakaka-in love na Kapuso Fans’ Day ang pangungunahan ni Marian sa KCC Mall sa General Santos City simula 5:00 PM.

Taong 2013 nang makisaya si Marian sa selebrasyon ng Tuna Festival. Bumalik siya sa GenSan noong 2014 para gampanan ang kanyang tungkulin bilang Ambassador for Women and Children with Disabilities sa pamamagitan ng Kapuso Outreach Activity. At ngayong 2015, maghahandog naman siya ng di-malilimutang pre-Valentine treat para sa kanyang mga tagahanga.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado