Upang masiguro na ang mga numero o letra sa mga tiket sa lotto ay hindi mabura ng simpleng gasgas, lukot o init, dapat itong iimprenta sa non-thermal paper.

Ito ang ipinanukala ni Rep. Eric L. Olivarez (1st District, Parañaque City) ng House Bill 5317, na nag-aatas sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isagawa ang ganitong uri ng pag-iimprenta.

Binanggit ni Olivarez ang isang insidente noong Oktubre 2014, na isang lalaki ang umaangkin sa P12-million jackpot prize sa lotto, ngunit nabura ang letra at numero ng kanyang nanalong tiket dahil nainitan nang ito’y malukot at maplantsa.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras