NEW YORK (AP) – Sasamahan ng mga guwardiya ng Golden State na sina Stephen Curry at Klay Thompson si Kyle Korver ng Atlanta at limang iba pa sa Three-Point Contest bago ang NBA All-Star game.

Sinabi ng NBA kahapon na sina James Harden ng Houston at Kyrie Irving ng Cleveland ay kasali rin, gayundin ang defending champion na si Marco Belinelli ng San Antonio, Wesley Matthews ng Portland at J.J. Redick ng Los Angeles Clippers.

Nakatakda ang event sa Sabado (Pebrero 14) sa Barclays Center sa Brooklyn. Ang All-Star game ay idaraos naman sa Pebrero 15.

Gumawa si Curry ng 10 3-pointers at umiskor ng 51 puntos noong Miyerkules ng gabi sa home victory ng Warriors kontra sa Dallas. Noong Enero 23, nagpakawala naman si Thompson ng 11 3-pointers, nagtala ng NBA quarter record sa siyam sa kanyang 37 puntos sa third quarter, sa kanilang 52 puntos na pagwawagi laban sa Sacramento. Si Korver ang kasalukuyang nangunguna sa NBA pagdating sa 3-point accuracy sa 53.2 porsiyento.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inanunsiyo na rin ang eight-player field para sa Skills Challenged.

Ang defending champion na si Trey Burke ay makakasama nina John Wall ng Washington, Kyle Lowry ng Toronto, Jimmy Butler ng Chicago, Jeff Teague ng Atlanta, Michael Carter-Williams ng Philadelphia, Brandon Knight ng Milwaukee at Isaiah Thomas ng Phoenix. Sila ay maglalaban sa isang head-to-head bracket competition sa obstacle course na susubok sa kanilang dribbling, passing, agility at shooting skills.

Lalaban din si Curry sa Shooting Stars event.

Makakasama ni Curry ang amang si Dell Curry at Sue Bird ng Seattle Storn sa WNBA sa timed shooting competition. Si Chris Bosh ng Miami ay kagrupo naman nina Dominique Wilkins at Swin Cash ng New York Liberty; habang si Anthony Davis ng New Orleans ay katambal naman sina Scottie Pippen at Elena Delle ng Chicago Sky; at makakasama naman ni Russell Westbrook ng Oklahoma City sina Anfernee Hardaway at Tamika Catchings ng Indiana Fever.