LAGING masayang kausap ang Kapuso teen stars na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix o BiGuel na very light lang ang mood at kapansin-pansin ang pagiging sweet sa isa’t isa.
Tulad nitong nakaraang Dinagyang sa Iloilo nang magkaroon sila ng promo tour para sa primetime series nilang Once Upon A Kiss kasama sina Pekto Nacua at Betong Sumaya. Tsika ng dalawang bagets, memorable ang partisipasyon nila sa Dinagyang Festival Corporate Parade noong Enero 24.
“Kakaiba ‘yung naging experience namin sa parade dahil naaabot namin ‘yung mga tao habang nakasakay kami sa float. It’s not the typical set-up na kumakaway lang kami sa kanila,” sabi ni Bianca.
Kuwento naman ni Miguel, kusang-loob na inaabot ng fans ang kani-kanilang mobile phones para mag-request ng selfie.
“’Binibigay ng fans ‘yung cellphones nila sa amin ni Bianca habang nasa float kami para raw makapag-selfie shot kami. Imagine, inaabutan kami ng cellphone? Nakakatuwa sila at ang sarap ng feeling na nakikita namin silang masaya sa pagbisita namin sa Iloilo.”
Bukod sa tinitiliang BiGuel love team, nakisaya rin sa Iloilo ang Kapuso homegrown talent na si Ruru Madrid bilang guest performer sa Iloilo Festival Queen and Hiyas Sang Iloilo beauty pageant noong Enero 21. Naki-party rin ang real-life sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Robinson’s Place Iloilo noong Enero 23.
Noong Enero 25 naman, present sa Dinagyang celebration si Mikael Daez bilang host ng GMA TV Western Visayas para sa live coverage nito ng Ati Tribe Competition. Nasa Iloilo rin ang lead cast ng Kailan Ba Tama Ang Mali? na sina Geoff Eigenmann, Empress Schuck, Dion Ignacio, at Max Collins na nakisaya sa Ilonggo audience sa SM City Iloilo. At pagkatapos ng mall show, tumungo naman sina Geoff, Empress, at Dion sa closing ceremonies sa Freedom Grandstand.
Samantala, libu-libong Kapuso fans ang pumunta sa tatlong malalaking malls ng Queen City of the South para mapanood ang GMA premier artists na nakisaya naman sa Sinulog Festival ng Cebu.
Enero 16 nang muling mapa-wow ni Regine Velasquez-Alcasid ang Cebuano audience sa The Terraces ng Ayala Center Cebu. Tampok din sa nasabing event ang Healing Hearts stars na sina Angelika de la Cruz, Joyce Ching at Kristoffer Martin.
“It’s nice to be back in Cebu and to join in the celebration of the Sinulog Festival. I like coming back here especially because the warmth of the Cebuanos is really overwhelming. Their loud cheers never fail to inspire me every time I come up on stage and perform for them,” pahayag ni Regine.
Back-to-back Kapuso Mall Shows naman ang nasaksihan ng mga manonood sa Gaisano Grand Mall Mactan at SM City Cebu noong Enero 17. Nagtanghal ang lead stars ng Second Chances na sina Jennylyn Mercado, Raymart Santiago, Camille Prats at Rafael Rosell — kasama ang cast ng Once Upon A Kiss na sina Miguel, Bianca, Pekto, at Betong. Inabangan din ang BiGuel love team sa makulay na GMA float sa Grand Sinulog Parade noong Enero 18.
Sa Ati-Atihan Festival naman ng Kalibo, Aklan noong Enero 13, ‘di nakapagtatakang jam-packed attendance ang bumungad sa Asia’s Songbird kaya bonggang Kapuso Night ang inihandog niya sa mga manonood. Ang ilan sa mga awiting kinanta niya sa harap ng humigit-kululang 10,000 katao ang Ako’y Iyung-iyo, Tuwing Umuulan, Dadalhin, Hulog ng Langit, On the Wings of Love, at isang medley ng pop hits of the 70’s.
Nakasama rin ni Regine sa nasabing event sina Miguel, Bianca, at Betong. Present din sa 2015 Ati-Atihan festivities sina Kris Bernal, Chynna Ortaleza, Mike Tan, Alden Richards, Steven Silva, at Rocco Nacino.
Nitong nakaraang Enero, nagpakilig din nang husto sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo kasama si Julie Anne San Jose, sa Longganisa Festival ng Vigan. Nagtanghal naman sa Bagoong Festival ng Lingayen, Pangasinan sina Louise delos Reyes, Kris Lawrence, at Kris Bernal.
Para sa latest updates tungkol sa regional events ng Network, sundan lang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram via @GMARegionalTV.