HINDI na kami magtataka kung tuluyan nang mawala sa isang programa ang dating bagets aktor.

Akala ng production people ay nagbago na ang dating bagets aktor kaya binigyan siya ng bagong chance, pero hindi pa pala dahil dumating siya sa set na high na high at kung anu-ano ang mga sinasabi na ikinaloka ng staff and crew.

Para hindi maapektuhan ang programa, napagdesisyunan ng mga bossing ng show na tsugihin na lang ang ginagampanang karakter ng dating bagets na aktor.

Naawa naman kami dahil alam naming matindi ang pangangailangan ng dating bagets na aktor lalo’t wala siyang pinagkakakitaan ngayon at may pamilya na siya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Depressed kasi ang dating bagets na aktor pero mali na dinadaan niya ito sa masamang bisyo. Ang tanong, saan siya kumukuha ng pangbisyo niya?