Espina

Pinaratangan ng Philippine National Police (PNP) OIC Deputy Director General Leonardo Espina, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibininbenta ang mga nakuhang baril sa 44 na kasapi ng Special Action Force(SAF) na napatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Espina na nakatanggap sila ng impormasyon na ibinebenta na ng mga rebeldeng Muslim ang 18 baril sa halagang P1.5 milyon. Kasama sa mga ito ang recoilless rifles, na parang bazooka.

Ito ang ibinunyag ni Espina sa House of Representatives at sa harap ng mga miyembro ng special committee sa panukalang Bangsamoro Basic Law na pinangunahan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nanawagan si Espina sa MILF na isauli na ang mga armas, uniforms, cellular phones at iba pang gamit ng mga bikima.

Ayon kay Espina, pinatay na nila ang mga pulis kaya’t huwag na nilang dagdagan ang pag-insulto sa hanay ng PNP dahil hindi nila pag-aari ang mga gamit na kinuha sa tinaguriang SAF 44.