Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na ligtas na ang piloto ng bumagsak na Huey helicopter nang mag-take off ito mula sa Camp Edilberto Evangelista papunta sa punong himpilan ng PAF-Tactical Operations Group sa Cagayan de Oro City noong Miyerkules ng hapon.

Galing sa turn-over ceremony ng 402nd Brigade Philippine Army sa Butuan City ang chopper nang bumagsak ito sa isang lugar malapit sa Camp Evangelista.

Bigo naman si 4th Infantry Division Spokesman Maj. Christian Uy, na kilalanin ang pilotong sugatan matapos bumagsak ang sinasakyan nitong chopper sa Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City.

Ayon kay Uy kabababa pa lamang ni commanding officer Maj. Gen Oscar Lactao kasama ang ilan pang opisyal mula sa 402nd

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Brigade na nakabase sa Butuan City nang bumagsak ang chopper.

Sinabi pa sa ulat, paalis na ang chopper sakay ang apat na sundalo mula sa kampo at papunta sana sa Air Force base nang bigla itong bumagsak.

Bagamat nagkaroon ng malaking pinsala, masuwerteng hindi sumabog ang helicopter makaraang tumagilid itong bumagsak sa lupa.

Bumuo ng investigating body ng Philippine Air Force upang mag-imbestiga sa pagbagsak ng Huey helicopter na panahon pa ng Vietnam War noong dekada 70.