Ipinagharap kahapon ng kasong murder ang dalawang tauhan ng pulis kaugnay sa pagpatay sa isa nilang kasamahan sa Negros Occidental.
Ang kaso ay isinampa ng La Carlota City Police Prosecutor’s Office laban sa mga suspek na sina PO1 Jackie Aizpuro at PO1 Randy Gelboria.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang dalawa ang itinuturong bumaril at nakapatay kay PO2 Jan Gallenero, nakatalaga sa Intelligence Section ng La Carlota Police Station noong nakaraang linggo.
Nakasaad sa report ng pulisya na si Aizpuro ay kamag-anak din ng biktima at kasama sa La Carlota Police Station habang si Gelboria ay nakatalaga sa Bacolod City Police Office (BCPO) na isinasailalim sa administrative relief.
Batay sa imbestigasyon, kasama ang driver na si Rommel Coray, umupa ng Mitsubishi Adventure sa isang rent-a-car sa Bacolod City sina Aizpuno at Gelbona at ito ang kanilang ginamit sa pagsagawa ng krimen.
Bukod sa tatlo, tukoy na rin ng pulisya ang lima pang kasamahan ng mga suspek na hindi muna pinangalanan hanggat hindi pa nahuhuli.
Sinasabing dahil sa panghuhuli ni PO2 Gallenero na may kinalaman sa droga kaya ito pinatay dahil may nasagasaan na isang malaking sindikato ang biktima.