Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang lalaki na inireklamo sa panggagahasa ng isang 12-anyos na dalagita matapos umanong pasinghutin ng una ng shabu sa isang bahay sa lungsod.

Iniutos ni Makati City Police Chief Senior Supt. Ernesto Barlam sa kanyang mga tauhan na dakpin agad ang suspek na si Edrian Mendoza, ng 4040 Gen. Luna St., Brgy., Cembo, Makati City matapos matanggap ang reklamong panghahalay ng dalagita na nakatira sa Sampaloc, Manila.

Sa reklamo sa pulisya ng biktima na sinamahan ng kanyang ina noong Pebrero 3, naganap ang panggagahasa noong Enero 15 sa isang bahay sa Barangay sa Guadalupe Nuevo, Makati City.

Iginiit ng dalagita na pinabatak muna siya ng shabu ng suspek at dito umano naisakatuparan ang panghahalay sa kanya ng lalaki. Ayon sa pulisya, pinagbantaan pa umano ni Mendoza ang biktima na may masamang mangyayari sa kanya kung magsusumbong siya sa pulisya kaugnay sa insidente.

National

MMDA gagamit ng high-tech mobile command center sa SONA

Dala ng labis na takot, hindi agad naisumbong ng biktima sa magulang ang sinapit nito sa suspek.

Pinuntahan ng mga pulis ang bahay ni Mendoza subalit hindi na naabutan ito roon.