Masusubok ang kakayahan ni Philippine minimumweight champion Jessebelle Pagaduan sa kanyang paghamon sa Haponesang WBO 105 titlist na si Kumiko Seeser Ikehara sa Pebrero 28 sa Osaka, Japan.

Ito ang ikatlong laban ng tubong Benguet na si Pagaduan sa Japan kung saan umiskor siya ng panalo kay one-time world title challenger Lin Yun Ting ng China sa 4th round TKO noong Setyembre 23, 2012 sa Ishikawa bago natalo sa puntos kay Japanese Nao Ikeyama sa kanilang laban para sa bakanteng WBO female atomweight title noong Mayo 17, 2014 sa Osaka.

Malaki rin ang posibilidad na maiganti ni Pagaduan si dating world female champion Gretchen Abaniel na natalo lamang sa kontrobersiyal na 10-round split decision kay Ikehara kahit binugbog nang todo ng Pinay ang Haponesa noong Setyembre 20, 2014 sa Osaka, japan.

May rekord si Pagaduan na 7-1-0 win-loss-draw na may 4 na panalo sa knockouts samanatalang si Ikehara ay may kartadang 6-1-1 win-loss-draw na may 3 pagwawagi sa knockouts.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente