TAIPEI (Reuters)— Labinlimang katao ang namatay at ilang dosena pa ang hindi natatagpuan matapos bumulusok ang isang eroplano ng Taiwanese TransAsia Airways sakay ang 58 pasahero at crew sa isang ilog sa Taipei ilang minuto matapos itong mag-take off noong Miyerkules, sinabi ng mga opisyal at ng domestic media.

Sa mga litratong ipinaskil ng mga motorista sa Twitter, makikita ang eroplano bumubulusok sa isang motorway malapit sa downtown airport ng Taipei matapos lumipad ang turboprop ATR 72-600 aircraft patungong isla ng Kinmen.

Sa mga footage sa telebisyon, makikita ang mga pasahero na nakasuot ng mga life jacket na pilit lumalangoy paahon sa ilog. Ito na ang ikalawang aksidente ng airline sa loob ng anim na buwan.

Sakay ng inflatable boats, pinagtutulungang iaahon ng ermergency rescue officials ang bahagyang nakalubog na fuselage ng Flight GE235, isinampa ito sa pampang ng ilog at tinulungan ang iba pang sakay nito na naipit sa loob.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Iniulat ng aeronautics authority na 15 sa 28 katao na nasagip ang patay at 30 pa ang nawawala.

Sinabi ng ibang Taiwanese government na ang sakay ng eroplano ang 58 pasahero at crew, kabilang 31 turista mula sa mainland China.