Tabriz Petrochemical Team (Iran) Mirsamad Pourseyedigolakhour cross the finish line i the final leg of Le Tour De Filipinas in Baguio City (Bob Dungo,jr)

BAGUIO City -- Bigo ang mga Pilipino na maangkin ang titulo, partikular ang dating kampeon na si Mark John Lexer Galedo, matapos malingat at malusutan ng siklistang bumubuntot sa kanya kahapon sa pagtatapos ng 2015 Le Tour de Filipinas sa Baguio Convention Center.

Diniskartehan ng 29-anyos na si Lebas mula sa Japan-based na Bridgestone Anchor Cycling Team, ang Stage Four na nagselyo para sa kanya ng karera na handog ng Air21 at co-presented ng Smart at MVP Sports Foundation, at tinakluban ang mga kinatatakutang Iranian na nagkasya lamang sa pagkuha ng final stage honors.

Naging matagumpay ang kanyang istratehiya at idinagdag ng Frenchman ang Le Tour de Filipinas sa kanyang koleksiyon ng mga panalo matapos pagharian ang Tour of Hokkaido (Japan) noong 2013 at Tour de International de Setif (Algeria) noong nagdaang taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I rode with the Iranians because they’re the strongest in the peloton today,” sabi ni Lebas, na bumuntot kay Eric Sheppard, ang nanguna sa unang tatlong yugto, ng apat na segundo at Galedo, ang bituin ng 7-Eleven Road Bike Philippines, ng isang segundo lamang papasok sa Baguio City stage.

“I just followed the Iranians. I attacked when I had the chance,” dagdag niya

Nakatuntong si Lebas sa podium nang magtapos ng 42 segundo sa likuran ng stage winner na si Mirsamad Pourseyedigolakhour ng Tabriz Pereochemical. Ang No. 1 Asian rider ay nagwagi sa loob ng dalawang oras at 54.01 segundo sa 101.70-km stage mula Lingayen sa Pangasinan, at pinangunahan ang 1-2 Iranian finish kasama si Hossein Askari ng Pishgaman Giant.

Natawid ni Galedo ang finish line ng dalawa’t kalahating minuto pagkatapos ni Lebas upang magtapos na ika-12 sa nasabing yugto, habang si Sheppard, na sumemplang sa huling 3 kilometro, ay nagtapos na ika-17, mahigit tatlong minuto sa likuran.

Bukod sa individual classification, nakawala din sa Seven Eleven ang team classification title matapos hawakan ang pamumuno sa unang tatlong stages.

Inangkin ito ng Tabriz na nakatipon ng kabuuang oras na 41:12:13, isang segundo ang agwat sa pumangalawang Bridgestone at 1:10 naman sa pumangatlong Iranian team din na Pishgaman.

Maging ang Best Climber ay tinuhog din ng mga Iranian nang magwagi si Askari pagkaraang kunin ang huling KOM na may katumbas na 25 puntos.

Samantala, tuluyang nalaglag sa top 3 si Sheppard matapos sumemplang sa huling 2 kilometro papasok ng finish line.

Nagwagi naman sa sprint ng karera na inihandog ng Air21 sa tulong ng MVP Sports Foundation at Smart at inorganisa ng Ube Media  si Scott Ambrose ng Team Novo Nordisk habang Best Young Rider naman si  Oleg Zemiakov ng Kazakhstan National Team.