Kasalukuyang inilunsad ng bagong luklok na Philippine women’s basketball team head coach Patrick Henry Aquino, ginabayan ang National University (NU) Lady Bulldogs tungo sa UAAP championship, ang tryouts para sa national squad sa 3rd floor ng SGS Building sa 1335 Araneta Ave., Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Gaganapin ang tryouts sa ganap na alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi kung saan ay nagsimula ito kahapon hanggang 7, 9, 10 at 11. Ang iba pang itatakdang iskedyul ay ihahayag sa mga susunod na araw. Sa mga interesado, mangyaring tumawag sa telepono bilang 0917-8686234 para sa karagdagang detalye.

Ang mga awtomatikong kandidato ay ang mga manlalaro na mula sa national pool ng nakaraang coach na si Haydee Ong kung saan ay nasa kasagsagan ang preparasyon upang makumpleto ang 12-player lineup na isasabak sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament at sa Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo.

Mula sa mahigit na 40 players, plano ni Aquino, hinihimok ang kasalukuyang national pool players na sumama sa tryouts, na ibaba ang listahan sa 20 bago kumpletuhin ang final 12.

National

₱150 milyong lotto jackpot, pwede mapasakamay ng lotto bettors ngayong Hulyo 16

Nakatakda ang tuneup games sa Thailand para sa national team sa Marso 28 hanggang Abril 4.