Matapos desisyunan ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP), umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na iimbestigahan at paparusahan ang mga naglustay ng kontrobersiyal na pondo.

“It is hoped that those who knowingly and deliberately misused public funds in a manner declared illegal by the Supreme Court should now be investigated and, if necessary, prosecuted,” pahayag ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Sa kanyang ipinaskil sa CBCP News, umapela ang opisyal ng Simbahan para sa isang gobyerno na tunay na magsisilbi sa sambayanan at iiwas sa ano mang uri ng katiwalian at panlilinlang.

Nanawagan din si Villegas sa mga legal academic at concerned citizen na pag-aralan ang posibleng implikasyon ng pinakahuling resolusyon ng Supreme Court sa DAP, na dating isinusulong ni Pangulong Aquino.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nababahala rin si Villegas na tila lumambot ang Kataas-taasang Hukuman sa ipinalabas nitong resolusyon hinggil sa ilang usapin sa disbursement at unappropriated item at proyekto.

Dapat aniyang linawin ng Korte Suprema ang ilang katanungan hinggil sa legalidad ng paglilipat ng pondo sa mga sangay ng gobyerno na tinatawag ng Palasyo bilang “savings.”

Sinabi ni Villegas na dapat na sumunod ang lahat sa Rule of Law sa pamamagitan ng pagkilala sa pinakahuling resolusyon ng Korte Suprema.

“The CBCP itself will conduct its own study with the aid of consultants and experts,” pahayag ni Villegas sa paniniwala na magbubunsod ng pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno ang resolusyon ng Korte Suprema hinggil sa DAP.