ISULAN, Sultan Kudarat - Tahasang itinatanggi ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang anumang kaugnayan ng grupo sa pagsabog sa palengke ng Isulan nitong Martes ng umaga na ikinasugat ng tatlong katao, kabilang ang ayon sa pulisya ay may bitbit ng granada.

Sa panayam kay Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, na hindi kilala ng grupo ang suspek na si Raheb Demaluloy y Pangelamen, 36, tindero ng isda at nakatira sa bahagi ng Barangay Damakleng sa Datu Paglat, Maguindanao.

Umayon naman ang pahayag ng BIFF sa naging pahayag ni Sultan Kudarat Police Provincial Office director Senior Supt. Rex dela Rosa na ang kaso ay walang kaugnayan sa engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang buwan dahil personal ang motibo sa pagsabog.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho