Itinuturing ni Pope Francis na “unforgettable” ang ilang oras niyang pakikisalamuha sa mga nasalanta ng kalamidad sa Leyte nitong Enero 17, at nanghihinayang na kinailangan niyang kanselahin ang ilan niyang aktibidad sa lalawigan dahil sa masamang panahon.

Ayon sa isang artikulo sa CBCP News, sa pamamagitan ng isang liham na may petsang Enero 21 ay nagpasalamat ang Santo Papa kay Palo Archbishop John Du para sa “unforgettable” na pakikisalamuha nito sa mga Katoliko.

“I thank you wholeheartedly, for the witness of faith and endurance which your people showed me in the midst of their trials. I will never forget this — may the Lord never permit me to — and I will keep them in my prayers,” saad sa liham ni Pope Francis na agad niyang isinulat pagbalik niya sa Rome, Italy mula sa limang araw niyang pagbisita sa Pilipinas nitong Enero 15-19. Ang liham ay may simpleng lagda na ‘Francis.’

Nagpahayag din ng kalungkutan ang Santo Papa na dahil sa napakalakas na hangin at ulan na dulot ng bagyong ‘Amang’ ay napilitan siyang iwan agad ang Leyte, na mismong sinadya niya sa papal visit

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang sa press conference sa Vatican Accredited Media sa kanyang biyahe pabalik sa Rome mula sa Metro Manila ay inamin ni Pope Francis na ang pinaka-makabagbag-damdamin sa kanyang pagbisita sa Pilipinas ay ang pagmimisa niya sa Tacloban City.

“The most moving moment for me was the mass in Tacloban. It was very moving. To see all of God’s people standing still, pra ying, after this catastrophe, thinking of my sins and thosepeople, it was moving, a very moving moment,” sabi ni Pope Francis.