Paris (AFP) – Kumalap si Novak Djokovic ang 3,800 puntos na bentahe sa ATP world rankings kasunod ng kanyang pagwawagi sa Australian Open noong Linggo.

Ang Serb ay nasa malinaw na abante sa second-placer na si Roger Federer, na nakatikim ng third-round exit sa Melbourne.

Ang big movers sa Top 10 ay sina Andy Murray, na ang naging kampanya sa Australian Open ay nag-angat sa kanya ng dalawang puwesto para maging ikaapat, habang dalawang puwesto rin ang iginalaw ni Milos Raonic upang maging ikaanim.

Kapwa nila nalampasan si Stan Wawrinka, na nabigong maidepensa ang kanyang titulo sa Australia, at nalaglag ng limang puwesto pababa sa ninth spot.
National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'